RapunSarah

March 05, 2011
This article caught my attention, thought it was an interesting comparison so I'm sharing it here:


Pix Credit: Hollywood Chicago

Pinag-uusapan ang 39-page article sa March 2011 edition ng YES! Magazine tungkol sa unang heartbreak ni Sarah Geronimo.

Iba’t-iba ang reaksyon ng mga nakabasa sa well-written at well-researched story na pinagpuyatan, pinagpaguran at nagbigay ng matinding stress sa staff ng YES!

Kung may mga pumupuri sa pag-aalaga kay Sarah ng kanyang mga magulang, may mga nagsasabi rin na hindi na tama ang sobrang proteksyon na ibinibigay nila sa kanilang anak.

May mga nagkukumpara sa mag-inang Divine at Sarah kina Rapunzel at Mother Gothel ng Tangled, ang endearing movie ng Walt Disney Productions.

Si Mother Gothel ang main antagonist sa Tangled. Ninakaw niya si Rapunzel mula sa mga magulang nito, pinalaki at ikinulong sa isang tore, at pinaniwala si Rapunzel na siya ang tunay na ina. May sariling kanta si Mother Gothel sa Tangled, ang Mother Knows Best.

Si Sarah ang kinikilala sa ating bansa bilang Pop Princess kaya may mga tumatawag sa kanya na Princess Sarah.

Tulad ni Rapunzel, marami nang gustong madiskubre si Sarah tungkol sa mundo. Kung pagbabasehan ang accounts ng YES!, handa nang magmahal si Sarah pero hindi pa handa ang kanyang mga magulang na makipagrelasyon siya, lalo na si Divine.

Tunay na ina ni Sarah si Divine kaya malaki ang karapatan nito na gabayan ang kanyang anak. Tulad ni Mother Gothel, buo ang paniniwala ni Divine na “mother knows best.”

Read More

No comments:

Powered by Blogger.